Ang Demokratikong Republika ng Timor-Leste, o Silangang Timor, ay isang bansang pulo sa Timog-Silangang Asya, binubuo ng silangang hati ng isla ng Timor, mga kalapit pulo ng Atauro at Jaco, at Oecusso-Ambeno, isang enclave ng Kanlurang Timor sa kanlurang bahagi ng isla, pinaliligiran ng Kanlurang Timor.